Last movie ni Direk Cathy, kasama ang JaDine?

ABS-CBN News

Posted at Aug 22 2018 07:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Hindi pa rin isinasara ng direktor na si Cathy Garcia-Molina ang posibilidad na makatrabaho niya sina James Reid at Nadine Lustre bago ang kanyang planong break sa paggawa ng pelikula.

Kuwento ni Garcia-Molina, tatlong movie project pa ang kanyang nakatakdang gawin bago ang planong pagpapahinga para magbigay oras sa sariling pamilya.

“Marami pang love teams ang nasa bakuran ng ABS-CBN na siguro ay ipapa-prioritize sa akin,” sabi ng direktor sa entertainment press sa naganap na “The Hows of Us” media conference nitong Miyerkoles.

Aniya, ilan pa sa pelikulang nakatakda niyang gawin ay ang reunion movie ni Sharon Cuneta at Richard Gomez na “Three Words To Forever” at ang planong pelikula para kay Piolo Pascual.

"Hindi naman ako mawawala ng matagal e, pahinga lang naman e. Malay mo pagbalik ko pwede na ulit," pahayag pa ng direktor.

Marso nitong taon ng ianunsyo ni Garcia-Molina ang pagpapahinga sa paggawa ng pelikula para bigyang prioridad ang personal na buhay.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.