Joshua at Janella, sumabak sa 'sensuality workshop'

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2019 01:35 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

"JoshNella" -- ito ang tambalan nina Janella Salvador at Joshua Garcia na napapanood ngayon sa teleseryeng "The Killer Bride."

Ginagampanan ng dalawa ng mga karakter nina Elias at Emma.

Pag-amin ni Joshua, may eksenang nagkailangan sila ni Janella kaya sumabak ang dalawa sa "sensuality workshop" para maging komportable sa isa't isa.

Pareho rin silang bukas ni Janella sa workshop dahil gusto nilang maging natural ang kanilang chemistry.

Umagang Kay Ganda, Agosto 21, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.