Bakbakan nina Daniela at Romina sa 'Kadenang Ginto,' mas paiinitin pa ni Vice Ganda?

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2019 07:39 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana) on

MANILA -- Hindi nauubos ang kuwento ni Dimples Romana sa mga dapat abangan tuwing hapon sa top-rating Kapamilya series na "Kadenang Ginto."

Ayon kay Dimples na gumaganap bilang si Daniela Mondragon, tuloy ang umaatikabong bakbakan nila ni Beauty Gonzales (Romina Mondragon).

Patikim ng "Kadenang Ginto" star, isa si Vice Ganda sa mga naimbitahan niya na mag-cameo din sa serye.

"Sabi ni Vice, baka daw pumunta daw siya. Magpapasampal daw siya kay Daniela kasi magpo-promote kami ng movie namin for MMFF," ani Dimples.

Nauna nang naimbitahan ni Dimples ang kanyang malalapit na kaibigan na sina Bea Alonzo at Angel Locsin na bumisita sa kanyang programa, bagay na labis na ipinagpasalamat ng aktres.

Bukod kay Vice Ganda, mainit ding inaabangan ngayon ang pagtawid sa "Kadenang Ginto" ng "Probinsyano" star na si Coco Martin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.