PANOORIN: Ika-80 kaarawan ni FPJ, ginunita ng pamilya at mga tagahanga

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2019 11:51 AM | Updated as of Aug 20 2019 07:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nagsama-sama ang mga mahal sa buhay, mga kaibigan, at mga tagahanga ng tinaguriang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. para gunitain ang kanyang ika-80 kaarawan.

Nitong Martes, isang misa ang isinagawa para kay FPJ sa Manila North Cemetery.

Pumanaw si FPJ noong 2004 sa edad na 64 dahil sa thrombosis at multiple organ failure.

Maliban sa asawang si Susan Roces at anak na si Sen. Grace Poe-Llamanzares, nakiisa rin sa pagtitipon ang aktor na si Coco Martin, bida ng "FPJ's Ang Probinsyano," ang sikat na Kapamilya serye na hango sa pelikula ni FPJ na inilabas noong 1997.

Labis naman ang pasasalamat ng pamilya ni FPJ sa lahat ng mga walang sawang sumusuporta at nagpapakita ng pagmamahal sa yumaong Hari ng Aksiyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.