Marlo Mortel, balak gawing parang 'serye' ang kanyang mga music video

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2018 12:39 PM

Watch more in iWantTFC

MANILA -- Pumirma ng recording contract ang "Umagang Kay Ganda" host at ngayon ay singer at songwriter na si Marlo Mortel sa Star Music.

Dito ilalabas ni Marlo ang kanyang mga naisulat na kanta mula noong estudyante pa siya at isa sa mga ito ang single na "I Pray" na para sa kanyang ina na may pinagdadaanang matinding karamdaman.

"Actually hindi talaga siya dapat kasama sa album ko since complete na love stories pero since ganun ang pinagdadaanan ng pamilya namin gusto ko sana iregalo sa kanya as a song of inspiration and hope," ani Marlo.
 
At ang kakaibang idea sa music videos at single ni Marco, dugtungan ito na parang isang teleserye na aabangan.

"First time na magkakaroon ng music serye or album serye dito sa atin. Since connected lahat ng mga song, every month na ire- release ang song kasabay ang music video na para siyang isang episode," ani Marlo.

Hoping si Marco sa mainit na pagtanggap sa kanyang recording career.

Bukas din siya sa posibilidad na gumawa ng kanta para sa ibang recording artist.
 
Samantala, napapanood na rin ngayon si Marlo bilang isa sa tauhan ng top-rating serye na "FPJ's Ang Probinsyano" na ipinagpapasalamat rin niya.

"Something different and first time ko maga-appear sa primetime. So, happy ako," ani Marlo na hindi pa sigurado kung sasabak na rin siya sa action.