Yassi Pressman, naglabas ng bagong awitin

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2019 11:39 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Nitong Biyernes, inilabas ni Yassi Pressman ang official music video ng kanyang bagong awitin na "Sige Na Please."

Sa Instagram, sinabi ni Yassi na umaasa siyang magugustuhan ng kanyang mga tagahanga ang bago niyang single. 

Si Yassi ay isa sa mga bida ng sikat na seryeng "FPJ's Ang Probinsyano" na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN.