Anne Curtis, handa nang magkaroon ng baby

ABS-CBN News

Posted at Aug 19 2019 11:43 AM | Updated as of Aug 19 2019 11:51 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Handa na ang aktres at "It's Showtime" host na si Anne Curtis na magkaroon ng anak.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, ibinahagi ni Anne ang paniniwala na may tamang panahon para sa katuparan ng kanyang pangarap na maging isang ina. 

"Feeling ko in God's time, it will happen. Ayaw kong magbigay ng pressure sa sarili ko or kay Erwan kung kailan mangyayari 'yon. Who knows baka next year na 'yan, di ba? It could be this year, next year, we don't know," ani Anne.

"But let's just say I think I'm at that age naman na talaga na anytime that it happens ay ready na akong maging momshie," ani Anne.

Ibinahagi ni Anne ang saloobin tungkol sa usapin ng pagkakaroon ng anak nang hingin ang kanyang reaksiyon sa pagbubuntis ng kanyang kaibigan na si Solenn Heussaff.

Si Solenn ay kapatid ng asawa ni Anne na si Erwan.

"Of course, I'm excited to be an aunt. Magiging tita ako so I'm very excited for Nico and Solenn. And si Erwan also sobrang excited din kasi siyempe may added family, hindi ba, and may baby. So nakakatuwa bagong blessing," ani Anne na inaming isa siya sa unang nakaalam sa pagbubuntis ni Solenn.

"Ang hirap mag-keep ng secret. ... Shocked and then I was just so happy for them, extremely happy for them. Sabay kaming sinabihan ni Erwan. So sobra kaming happy para sa kanila because we know it was one of the things they were looking forward to, hinihintay nila. So happy kami para sa kanila," ani Anne.

Sa ngayon ay bida si Anne ng pelikulang "Just a Stranger" kasama si Marco Gumabao na ipapalabas na simula Agosto 21.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.