PatrolPH

Music video ng ‘Pancit' nina Juan Karlos at Janine Berdin, inilabas na

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2022 03:23 PM

Watch more News on iWantTFC

 
MAYNILA --- Inilabas na ang music video para sa awitin ni Juan Karlos Labajo na "Pancit," kung saan tampok si Janine Berdin.

Sa ilalim ng direksyon ni Treb Monteras II, mapapanood ang music video sa opisyal na YouTube channel ni Labajo. 

Matatandaang nauna nang inilabas ang awiting "Pancit" nitong katapusan ng Marso. 

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkatrabaho sina Labajo at Berdin.

Nitong Nobyembre 2021 nang ilabas sa ilalim ng Star Music ang "Pagod Na Ako," na isinulat ni Berdin. Si Labajo ang prodyuser ng awitin. 

Isa si Labajo sa mga bituin ng pelikulang "Blue Room" na bahagi ng Cinemalaya Film Festival.

Nito lamang Hunyo ay inialabas naman ni Berdin ang kanyang EP na "WTF I actually wrote these songs."

Kaugnay na mga video:

Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.