PatrolPH

‘Ganu’n pa rin siya’: Myrtle Sarrosa sa usaping nagpalaki ng dibdib

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2018 06:57 PM

MAYNILA—Itinanggi ni Myrtle Sarrosa na nagpalaki siya ng dibdib para sa kaniyang pelikulang "Wander Bra."

"Wala po, ganun pa rin po siya," ang tugon ni Sarrosa sa press conference ng pelikula noong Huwebes.

 

A post shared by Myrtle Sarrosa (@myrtlegail) on

Inamin din ng celebrity cosplay artist at "Pinoy Big Brother" Teen Edition 4 grand winner na na-presure siya sa kaniyang role sa naturang pelikula. 

"Kasi parang hindi naman ako 'yung star na boobs talaga 'yung pinapakita. So for this one, I'm really grateful na with the effects na ginawa nilang bra for me," sabi niya.

Dagdag pa ni Sarrosa na hindi niya hinangad na maging ganoon din kalaki ang kaniyang dibdib.

Ang "Wander Bra" ay isang fantasy-comedy film at kuwento ng isang makabagong superhero.

"Sobrang sexy" naman ang pagsasalarawan ni Sarrosa sa kaniyang karakter sa pelikula.

"Ang character ni Wander Bra hindi niya alam na ganu'n siya kaganda so parang first time lang niya maramdaman na maganda siya. 'Yung character niya parang naive siya pero very sexy," paliwanag niya.

Kasama rin sa pelikula sina Kakai Bautista at Ahron Villena.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.