PatrolPH

'Ang Probinsyano' Pasasalamat Tour, pansamantalang kakanselahin

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2022 11:55 AM

MAYNILA -- Pansamantalang kakanselahin ang Pasasalamat Tour ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Bulacan (Agosto 19), Cebu (Agosto 20) at Iloilo (Agosto 21).

Sa pahayag na inilabas ng Dreamscape Entertainment nitong Martes ng gabi, ipinabatid na ang pagkansela sa tour ay bilang pagsunod sa health protocols.

"Batid namin ang inyong pananabik na makisaya sa cast ng FPJ's Ang Probinsyano, ngunit malungkot po naming inaanunsyo na ang FPJ's Ang Probinsyano Pasasalamat Tour sa Bulacan, Cebu at Iloilo ay pansamanatalang kakanselahin bilang pagsunod sa ating health protocols," ayon sa pahayag.

Nitong Linggo, naganap ang matagumpay na pagpapasalamat ng mga bituin ng "FPJ's Ang Probinsyano" sa pangunguna ni Coco Martin sa Vista Mall na dinaluhan ng daan-daang tagasuporta ng tinaguriang "Pambansang Serye."

Nito lamang Biyernes, Agosto 15, tinutukan ng mga manonood ang pagtatapos ng "FPJ's Ang Probinsyano." 

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.