Maris Racal, bibida sa bagong pelikula

ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2019 11:13 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Bida si Maris Racal sa pelikulang "I'm Ellenya L," isa sa mga opisyal na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Sa pelikula, gagampanan ni Maris ang karakter ng isang vlogger.

Nauna nang ibinahagi ni Maris ang kanyang karanasan bilang si Ellenya L nang makausap niya ang alkalde ng Maynila na si Isko Moreno.
 
Matapos namang makaharap si Mayor Isko, nais ni Maris na makausap naman ang alkalde ng Pasig na si Vico Sotto.

Sa susunod na buwan ipapalabas ang "I'm Ellenya L" sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.