PatrolPH

'My real first love': Joey Marquez, nais makapiling muli ang ina

ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2018 03:45 PM

Watch more on iWant or iWantTFC

Kung mabibigyan ng pagkakataon si Joey Marquez na balikan ang isang yugto ng kaniyang buhay, nais niya raw bumalik sa mga panahong buhay pa ang kaniyang ina.

Ito ang sagot ni Marquez sa isang tanong sa episode ng "Tonight With Boy Abunda" noong Martes kaungay sa pagbida niya sa pelikulang "Unli Life," na susundan ang kuwento ng isang lalaking makababalik sa nakaraan sa pamamagitan ng pag-inom ng mahiwagang alak.

"Let me first tell you who's my real first love. It's always been my mom," ani Marquez.

"Siguro if iinom ako ng gano'n, babalik ako sa time na buhay pa ang nanay ko kasi I think kulang pa 'yong ginawa ko sa kaniya," aniya.

Kuwento ni Marquez, ngayon lang niya napagtatanto ang lahat ng ginawa ng ina para sa kaniya kung kailan wala na ito — bagay na madalas daw sa kaniyang sabihin ng ina noon.

"I remember what she told me before. 'Kung ano 'yong ginagawa ko sa 'yo ngayon, you will realize it when I'm gone,' and I'm realizing it na," ani Marquez.

 

Kasama ni Marquez sa "Unli Life" sina Vhong Navarro, Donna Cariaga, at ang anak niyang beauty queen na si Winwyn Marquez.

Isa ang "Unli Life" sa mga pelikulang kalahok sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.