Joyce Bernal, mas tumaas ang paghanga kay Sarah Geronimo

ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2018 03:17 PM

MANILA — Mas tumaas daw ngayon ang paghanga ng direktor na si Joyce Bernal para sa singer-actress na si Sarah Geronimo.

Pagmamalaki ng direktor ng “Miss Granny,” ibang klase ang naging performance ni Sarah sa kanilang pelikula.

“Habang nag-shooting kami, mas nai-in love ka doon sa character tsaka doon sa pelikula,” pagkuwento ni direk Joyce sa ABS-CBN News.

 

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph) on

“Siya kasi 'to e, kung hindi siguro si Sarah [Geronimo] to, parang hindi ko siguro siya gagawin, siya kasi yan eh,” dagdag niya.

Aniya, tugma din daw sa personality ni Sarah ang ibang eksena sa pelikula.

Watch more in iWant or TFC.tv

“Swak na swak! Tsaka marami kasi siyang performance dito, kaya pala even noong nakunan mo na siya noong on-screen, talaga palang manunuod ka,” ani Joyce.

“It’s because of the way she sings. Ibang-iba siya 'pag nakausap mo siya nang [personal], nagkakaroon siya ng transition into someone else na 'yung Sarah Geronimo na alam natin,” pahayag pa niya.

Mapapanood ang “Miss Granny” sa August 22.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.