A second chance: CJ Ramos balik showbiz na

ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2018 09:20 AM | Updated as of Aug 16 2018 10:25 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Matapos na masangkot sa droga nitong buwan, balik-showbiz na muli ang dating child star na si CJ Ramos.

Mapapanood si CJ sa Ang Probinsyano.

Sa Instagram, ibinahagi niya ang litrato nila ni Coco Martin na may hashtag na "second chance".

Matatandaang naaresto si CJ sa isinagawang buy-bust operation sa Tandang Sora sa Quezon City noong Agosto 2, 2018.

Naaktuhan ng mga operatiba si CJ na bumibili ng droga sa isang babaeng tulak. 

Inamin din niya na gumagamit siya ng droga dahil sa mga personal na problema.

Sumikat bilang child star si Ramos noong 1990s kung saan nagbida siya sa ilang pelikula kabilang na ang "Ang TV Movie: The Adarna Adventure" at "Tanging Yaman." - Umagang kay Ganda

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.