PatrolPH

Geoff Eigenmann, inamin ang alitan nila dati ni Aljur Abrenica

ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2019 04:53 PM

MAYNILA -- Binigyang linaw ng aktor na si Geoff Eigenmann ang hindi nila pagkakaintindihan nila noon ni Aljur Abrenica.

Watch more on iWantTFC

Kuwento ng aktor sa "Tonight With Boy Abunda," naagapan naman ang kanilang naging gusot noon.

"There was no physical fight, nag-usap kami. There was this one time na we talked about a problem kumbaga," aniya.

Ayon kay Geoff, nagsimula ito noong nadikit ang kanyang pangalan kay Kylie Padilla na kasama niya sa isang proyekto noon.

"This happened when Carla [Abellana] and I separated and during that time, I was also partnered with Kylie [Padilla], doing a show with her and during that time they were together," kuwento ni Geoff.

"Since nag-end 'yung relationship ko with Carla and then I think they're going through problems as well, people put one on one together," dagdag niya.

Sa kabila ng mga chismis, mas minabuti nila ni Aljur na pag-usapan ang kanilang naging hindi pagkakaintindihan.

"It went very well. We shook hands right after, and it ended right there," ani Geoff.

Sa ngayon, bahagi si Geoff ng Kapamilya series na "The Killer Bride" bilang si Vito Dela Cuesta.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.