Bakit malaki ang pasasalamat si BidaMan Jin Macapagal kay Aga Muhlach

ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2019 11:58 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Isang makabuluhang mensahe mula kay Aga Muhlach ang natanggap ni Jin Macapagal, ang kauna-unahang BidaMan winner ng "It's Showtime."

Nitong Huwebes, via phone patch, ibinahagi ni Aga ang mensahe para kay Jin na dati ring naging kalahok sa "Pinoy Boyband Superstar" kung saan isa ang dating matinee idol sa mga hurado.

Pag-amin ni Jin, hindi niya makakalimutan si Aga dahil sa komento nito noon sa kanya na nagpakakas ng kanyang loob.

"He said, 'Jin, I know na kinakabahan ka at medyo parang hindi ganun kataas ang confidence mo.' Sabi niya, 'Maganda ang tindig mo. I know there's a part of you na ala mo na kaya mo. Just always believe in yourself,'" kuwento ni Jin.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Aga na masaya siya sa tagumpay ni Jin na nakitaan niya noon pa man ng talento.

"Even before the middle round, nung nago-audition ka pa lang, I saw you already as part of BoybandPH. But then alam mo na iba-iba ang destiny ng tao talaga. That's why when you were in the middle round when you sang ... sa akin you always stood out talaga. That's why nakita ko 'yung kaba mo at nakita ko na, alam ko sa ibang judges parang hindi ka yata papasok kaya I had to tell you already. Kaya ikaw lang tinawag ko noon kasi I knew na may pupuntahan kang iba pa," paunang kuwento ni Aga.

"Now this has happened to you, you won. You just have to believe in yourself. Now nandito ka, this is a new ball game for you. Keep on, keep on. Hard work always pays off. Kapag hindi ka naging successful sa isang bagay, you just continue to believe and then darating yung para sa iyo. So ito na ngayon 'yan. So tingnan mo ang guwapo mo, ang galing mo sumayaw at magaling ka rin kumanta talaga noon. So congratulations I'm just the happiest for you," mensahe ni Aga kay Jin.

Pasasalamat naman ang ibinigay ni Jin kay Aga dahil sa mga magagandang nasabi nito tungkol sa kanya.

"Gusto ko lang po talaga magpasalamat lalo na sa inyo. Kasi tumatak po talaga 'yung message niyo sa akin, especially now. I don't know, I've always had doubts about myself pero dahil po sa inyo na talagang naniniwala sa akin I just want to say thank you so much. You guys give me the strength po to always keep on fighting and give my best in everything that I do," ani Jin kay Aga na may pahabol pang payo sa BidaMan winner.

"Ang sasabihin ko sa iyo -- this is just one step, 'yung nangyari sa iyo. Marami pang mangyayari sa iyo. Tatandaan mo lang marami pang challenges na darating. It's not easy when people, when the fans think that ang buhay natin ay napakasaya, na napakadali ng buhay natin. Hindi rin, mahirap din 'yan. You have to give your all, all the time, your 100%. Be kind always to people. Be kind always. Kahit minamasama ka nila, sige lang. Just focus on your work and magmahal ka ng tao parati," dagdag ni Aga.