Erich at Ejay, inaming hindi sila nag-usap ng ilang taon

ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2018 01:00 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ibinahagi nina Erich Gonzales at Ejay Falcon, mga bida ng "The Blood Sisters," ang naging tampuhan nila noong ginagawa pa nila ang seryeng "Katorse."

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, inamin ni Erich na tumagal ng ilang taon ang hindi nila pag-uusap ni Ejay.

"'Yun 'yung first na magkatrabaho kami, immature. So, maliit na bagay ginagawang big deal kahit ano lang naman... Pareho kaming tactless that time talaga. So, wala siyang care sa kung ano ang sasabihin niya, tapos sensitive ako masyado. So, 'bahala ka, huwag na tayong mag-usap. Tapusin na lang natin itong work,'" pag-alala ni Erich.

"Kulang siguro 'yung pagiging gentleman ko that time... May nasabi yata ako sa kanya, sabi ko, 'hindi pa ikaw ang nene sa 'Katorse,' alam kong nandoon na ako sa show.' Parang ganun. Siyempre, nakaka-off talaga. Aminado naman ako," ani Ejay na inamin ang dating paghanga sa aktres.

Matapos ang pinagdaanang tampuhan, masayang nagsama muli sina Erich at Ejay sa "The Blood Sisters."

Sa huli, ibinahagi ng dalawa ang mensahe nila para sa isa't isa. 

"Alam mo sobrang proud ako sa iyo and sobrang thankful na ngayon ay tinanggap mo ako bilang kaibigan mo, hindi ba? Kasi nagkaroon tayo ng problema. Masasabi kong ikaw ay isang babaeng totoong kaibigan para sa akin. Kahit sana wala na tayo sa showbiz, sana ay nandoon pa rin ang friendship natin. Alam ko marami tayong pagkakapareho eh," ani Ejay.
 
"Sobrang na-appreciate ko si Falcon dahil dito sa 'The Blood Sisters,' na-appreciate ko kung paano niya ako alagaan. Talagang tina-try niya 'yung best niya to make sure na okay ako. Kahit simpleng, 'Day, papunta na ako sa taping, may gusto ka bang pagkain, ano ang gusto mong inumin?' Talagang he really cares and nakikita ko lahat 'yon," ani Erich.

Dagdag ng aktres: "And sinasabi ko sa iyo, proud ako kung nasaan ka ngayon and alam ko malayo pa talaga ang mararating mo. Itaga mo sa bato, kahit anong mangyari talaga, tapos na 'yung show, wala na tayo sa industry na ito, you can always count on me, through thick and thin."

Sa ngayon ay nasa huling tatlong gabi na ang "The Blood Sisters" kung saan bida sina Erich at Ejay.

Mapapanood ang huling mga gabi ng serye pagkatapos bago mag-"TV Patrol."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.