PatrolPH

Coco Martin bumisita sa 'ASAP,' nagpasalamat sa 'Ang Probinsyano' viewers

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2022 01:13 PM | Updated as of Aug 14 2022 02:32 PM

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/entertainment/08/14/20220814-coco-martin.jpg

(UPDATE) Bumisita sa "ASAP Natin 'To" ngayong Linggo ang cast ng "FPJ's Ang Probinsiyano," sa pangunguna ng bida at direktor na si Coco Martin na nagpasalamat sa lahat ng tumutok sa finale ng 7-year action series.

"Maraming, maraming salamat sa lahat ng mga Pilipinong sumubaybay sa 7 taon, gabi-gabi sa 'FPJ's Ang Probinsyano,'" ani Martin sa paglabas sa "ASAP" stage pagkatapos ng opening number.

"Ito pong teleseryeng ginawa namin ay para po sa lahat ng mga Pilipino dito sa buong Pilipinas at sa buong mundo," dagdag ng aktor.

Watch more News on iWantTFC

Nagpasalamat din si Martin kay Gary Valencinao, na aniya'y inspirasyon ng cast ng serye.

"Every time kailangan namin umiyak, lagi pinatutugtog ang kanta niyo," sabi ni Martin kay Valenciano.

Kasama ni Martin ang iba pang cast member ng serye, tulad nina John Arcilla, Sharon Cuneta, Geoff Eigenmann, John Estrada, Lorna Tolentino, Angel Aquino, Shaina Magdayao, Raymart Santiago, Rowell Santiago, John Prats, at Michael de Mesa.

Naging emosyonal at naluha ang ilang cast member nang isa-isang magbigay ng kani-kanilang mga mensahe sa mga sumuporta sa programa.

Watch more News on iWantTFC

Inawit din sa "ASAP" ang mga kanta sa serye na "Ililigtas Ka Niya" at "Huwag Ka Nang Umiyak" ni Valenciano, at "'Di Ka Nag-iisa" ni Regine Velasquez.

Nagkaroon din ng tribute performance para sa mga yumaong beteranong aktor na sina Fernando Poe Jr., na bida sa orihinal na "Ang Probinsyano," at Susan Roces, na bumida sa serye hanggang sa kaniyang pagpanaw nitong taon.

Umere nitong Biyernes ang huling episode ng "Ang Probinsyano," kung saan may higit kalahating milyon ang sabay-sabay nanood online.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.