Sunshine Dizon bumisita sa ‘It’s Showtime’ para maglaro sa ‘Madlang Pi-Poll’

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2021 08:30 PM

Bumisita sa It's Showtime ang aktres na si Sunshine Dizon. ABS-CBN
Bumisita sa It's Showtime ang aktres na si Sunshine Dizon. ABS-CBN

Sa unang pagkakataon, nakatuntong sa “It’s Showtime” stage ang bagong Kapamilya na si Sunshine Dizon kung saan naglaro ito sa bagong segment na “Madlang Pi-Poll.”

Sinamahan ni Dizon nitong Sabado ang matalik na kaibigan na si Karylle upang magsilbing studio players sa nasabing segment. 

Malapit sa isa’t isa sina Dizon at Karylle na nagkasama na noon sa ibang proyekto. Ayon sa noontime show host, isa ang aktres sa napagkakatiwalaan niyang tao. 

“Pag may pinagdadaanan ka, it’s nice na meron kang makaka-bonding na may tiwala ka,” saad ni Karylle.

“’Yung puwede ako sa harap niya na dugyot ako. Tanggap niya ako at lahat ng aking ka-dugyutan.”

Watch more on iWantTFC

Kuwento ni Dizon, labis silang nagkakasundo ng kaibigan pagdating sa panonood ng K-drama na madalas nilang pag-usapan sa gabi. 

Napuno naman na katatawanan ang paglalaro ng dalawang artista nang matanong sa segment kung ano ang madalas na palusot ng mga manloloko. 

Pabirong sumagot ang mga ito na hindi pa nila nararanasang maloko na sinundan ng komedyanteng si Vice Ganda ng pangungulit. 

Tugon ni Dizon, madalas niya umanong marinig sa mga kaibigang lalaki ang “friend ko lang ’yun” na palusot. 

Minsan nang naging maugong ang buhay pag-ibig ni Dizon matapos makipaghiwalay sa asawa dahil umano sa third party. Sa ngayon, co-parenting ang setup nilang dalawa para sa kanilang mga anak. 

Watch more on iWantTFC

Para naman kay Karylle, “katrabaho ko lang ’yun” ang alibi ng mga manloloko na naging dahilan ng pagtawa ng lahat ng hosts at ni Dizon. 

Mapapanood si Dizon sa nalalapit na serye ng ABS-CBN na “Marry Me, Marry You.”

Related videos:

Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC