Yen Santos at Rafael Rosell, magtatambal sa 'MMK'

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2019 12:01 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MMKOfficial (@mmkofficial) on

MANILA -- Balik-telebisyon si Yen Santos matapos ang matagumpay na seryeng "Halik."

Ngayong Sabado, bibida sa "Maalaala Mo Kaya" si Yen kasama si Rafael Rosell.

Bibigyang buhay nina Yen at Rafael ang isa na namang nakakakilig na kuwento ng pag-ibig.

Sa panulat ni Bing Castro Villanueva at direksiyon ni Cathy Camarillo, tunghayan ang unang pagtatambal nina Yen at Rafael ngayong Sabado, Agosto 17, sa "Maalaala Mo Kaya," pagkatapos ng "The Voice Kids."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.