Sunshine Cruz, handa na nga ba ikasal ulit?

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2019 04:48 PM

MAYNILA -- Sa panayam ni Sunshine Cruz sa "Tonight With Boy Abunda," binigyang linaw niya ang suot na singsing na ibinigay sa kanya ng nobyo na si Macky Mathay.

Ayon sa aktres, promise ring pa lamang ito at hindi engagement ring.

"Tatlo siya. This is a promise ring na binigay niya sa akin" ani Sunshine sa panayam kay Boy Abunda.

Watch more in iWant or TFC.tv

Dahil sa kanilang ilang taon na relasyon, hindi itinanggi ng aktres na napag-uusapan na din nila ang kasal.

"Tito Boy, kasi noong February lang naging malinis ang annulment ko and I'm enjoying my time with my children with work, and okay naman kami sa setup namin. We see each other every other weekend," ani Sunshine.

"Ang sa akin hanggang maari, hindi ko muna gusto i-touch 'yung topic na 'yun but I know in God's time naman, kung talagang kami, kami talaga."

Matatandaan na Abril nitong taon nang pormal na napawalang-bisa ang kasal ni Sunshine sa dating asawa na si Cesar Montano.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.