Moira Dela Torre, nagpasalamat kay Vice sa pagtatanggol sa kanya

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2019 02:45 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Cornerstone Entertainment Inc (@cornerstone) on

MAYNILA -- Tanging pasasalamat lang ang naging sukli ng singer na si Moira Dela Torre sa naging pagtatanggol sa kanya ni Vice Ganda.

Matatandaan na nitong Linggo sa "Gandang Gabi Vice," dumipensa ang TV host sa mga patutsada kay Moira na kanyang kapwa hurado sa unang season ng "Idol Philippines."

Kasunod ito nang naging pag-amin ni Moira sa naging impeksyon na kanyang nakuha mula sa operasyon sa kanyang ilong.

"Noong ginawa niya po 'yun nabunutan po ako ng tinik na 'uy may nagtanggol sa akin,' and we all will feel na super grateful 'pag pinagtatanggol," pahayag ni Moira sa naganap na media conference para sa kanyang paparating na concert na "Braver."

Ayon pa sa singer, napaiyak siya sa ginawa ni Vice na isa ding mabuting kaibigan sa kanya.

"Wala po akong ibang nasabi nung napanood ko po 'yun. Naiyak na lang ako and nag-message na lang ako kay Ate Vice. Sabi ko, 'Ate, salamat, mahal na mahal kita. I love you.' I'm so happy that Ate Vice is in my life."

Dahil sa pagtatanggol sa kanya ng "GGV" host, isa lang din ang ipinangako ni Moira sa naging aksyon na ito ni Vice Ganda para sa kanya. "Ate Vice, I will fight for you also," pahayag ni Moira.

Sa ngayon patuloy ang pagpapagaling ni Moira para sa kanyang nalalapit na concert sa Smart Araneta Coliseum ngayong Setyembre 13.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Moira Dela Torre (@moirarachelle) on

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.