Mister ni Moira Dela Torre, may pinagselosan sa 'Idol PH'?

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2019 08:11 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Moira Dela Torre (@moirarachelle) on

MAYNILA -- Extra kilig ang showbiz press sa naging special duet ni Moira Dela Torre at mister na si Jason Hernandez sa media conference ng major concert nito na "Braver."

Dito, hindi naiwasan na matanong ng press kung dumadaan pa rin ba sila sa selosan?

"Seloso? Before. Noong mag-boyfriend and girlfriend pa lang tayo pero nung kinasal na kami wala na tapos na eh," sabi ni Jason na nakatingin kay Moira.

Kuwento ni Moira, bago pa man sila ikasal, established na ang kanilang tiwala sa isa't isa.

"Una pa lang, hindi pa man kami kasal, in-establish niya na ang foundation namin was trust. So ako hindi ako nagseselos, hindi ako aware nagseselos pala siya," kilig na sagot ni Moira.

Hindi rin pinalagpas ng press na tanungin si Jason sa mga naging matatamis na komento ni Moira sa "Idol Philippines" finalist na si Dan Ombao.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Actually sobrang natatawa po ako doon. Nakiki-ride nga po ako kasi kahit ako naman po kinilig kay Dan. Ang ganda kasi ng boses e. But we're good friends ni Dan," pahayag ni Jason.

Isa si Jason sa mga dapat asahan sa "Braver" concert ni Moira ngayong Setyembre 13 sa Smart Araneta Coliseum.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.