Maris Racal, maraming naging hamon sa pelikula nila ni Inigo Pascual

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2019 03:12 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

MAYNILA -- Muling nanumbalik sa Kapamilya star na si Maris Racal ang ilan sa mga naging pinagdaanan sa shooting ng kanyang upcoming movie na "I'm Ellenya L" kasama si Inigo Pascual.

Kuwento ni Maris, ilan sa mga isyung hinarap nila ni Inigo ang pananamlay ng kanilang samahan bilang isang love team.

"Siguro ginawa namin 'to mga May of 2018, so napagdaan namin ang lahat habang ginagawa namin 'to," sabi ni Maris.

Kamakailan lang, naging laman ng balita ang dalawa dahil sa kanilang desisyon na wakasan na ang kanilang tambalan. Pero ayon kay Maris, nagawa pa rin nilang tapusin ang kanilang pelikula.

"Automatic naman po sa amin 'yun, 'pag nasa shooting place kami hindi kami nag-aaway on the set, hindi kami nag-aaway, usap lang. Parang ganun din kasi ako personally, parang usap lang ayaw ko nang nag-aaway talaga," ani Maris.

Humaharap man sila sa hindi pagkakaunawaan, naging maayos pa din daw ang lahat para sa kanilang pelikula ni Inigo.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

"Si Inigo, knowing him, ayaw niya talaga 'yung may bad blood sa kasama niya. So he made sure na before pa lang ng shooting days, parang okay kaming dalawa," aniya.

Sa kabila naman ng kinahinatnan ng kanilang samahan, nanatili pa rin daw ang magandang pagkakaibigan ni Maris at Inigo

"Special in a way na may spot and may care naman talaga, like hindi naman din naging biro 'yung pinagsamahan namin dati, 'yung mga blessings na dumating dahil sa love team namin," aniya.

"Hindi naman 'yung parang ayaw na namin sa isa't isa, so andun pa din naman 'yung care," sabi pa ni Maris.

Muling binigyang linaw rin ni Maris ang dahilan ng kanilang naging hiwalayan. "Differences and iba 'yung gusto namin, wala naman iba pang dahilan. Wala naman na iba pang worse na nangayari. Natanggap lang talaga namin na I think iba lang 'yung gusto namin, career-wise," aniya.

At kung tatanungin naman kung may posibilidad pa ba na maayos ang kanilang samahan, ayon kay Maris: "Hindi ko po alam e. Depende na lang sa kung ano ang mangyayari sa future. Ayaw ko lang magsabi ng kung ano ngayon and iba pala ang mangyayari."

Mapapanood ang "I'm Ellenya L" simula ngayong Setyembre 13 bilang bahagi ng 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.