Kisses Delavin, bibida sa 'Ipaglaban Mo'

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2019 11:59 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Bibida sa "Ipaglaban Mo" si Kisses Delavin kasama ang beteranang aktres na si Rita Avila.

Sa Instagram, ibinahagi ni Rita ang retrato nila ni Kisses at pinuri ang pagiging mabait na bata ng aktres.

Huling napanood si Kisses sa teleseryeng "Playhouse" kasama sina Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban na natapos nitong Marso.

Sa ngayon ay nag-aaral si Kisses ng kursong B.S. Accounting sa De La Salle University.

-- Umagang Kay Ganda, Agosto 14, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.