Kapamilya stars naghahanda na para sa ABS-CBN Ball

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2019 07:56 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nag-umpisa na ang mga paghahanda para sa ABS-CBN Ball, ang taunang pagsasama-sama ng mga maningning ng bituin ng Kapamilya network.

Nakatakdang idaos ang ball sa Setyembre 14.

Mula sa screening ng pinagbibidahan niyang pelikulang "Hello, Love, Goodbye" sa Dubai, dumeretso si Kathryn Bernardo sa designer na si Michael Cinco para magpasukat ng kaniyang susuotin sa ball.

Sabik na rin ang dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Heaven Peralejo na maka-bonding ang mga kapuwa artista ng ABS-CBN.

"I'm super excited. Nakausap ko na 'yong stylist," ani Peralejo. 

"Having fun lang po rin 'yon eh," dagdag niya.

Tema ngayong taon ay Filipiniana.

Bukod sa pasiklaban ng mga bituin sa kanilang mga kasuotan, pagkakataon din ang ball para makatulong.

Ayon kay Jing Castañeda, program director ng Bantay Bata 163, gagamitin ang malilikom na pondo mula sa ball para mapaaral ang mga bata sa Children's Village ng kanilang programa.

"We will be building dreams, we will be building lives. Kasi 'yong makukuha nating donasyon ngayon ay pupunta doon sa edukasyon para mapaaral 'yong mga batang naroon sa Children's Village," ani Castañeda.

Magugunitang noong nakaraang taon ay napunta sa pagpapagawa ng Children's Village ang donasyon ng mga artista at donor.

Bibigyan din ng tribute ang ina ng ABS-CBN Foundation na si Gina Lopez.

"Alam naman nating ang puso ng Bantay Bata ay si Gina Lopez kaya nararapat lang... mabigyang-pugay muli siya," ani Castañeda.

Para sa karagdagang updates, maaaring bisitahin ang website ng ABS-CBN Ball.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.