'Gusto lang namin magbanyo': Ice Seguerra, nakisimpatya kay Gretchen Diez

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2019 04:43 PM | Updated as of Aug 14 2019 06:15 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ice Diño Seguerra (@iceseguerra) on

MAYNILA -- Hindi naiwasan na magbigay ng kanyang saloobin si Ice Seguerra na isang aminadong trans man, sa pinagdaraanan ngayon ni Gretchen Diez.

Si Gretchen ang trans woman na pinagbawalan na gumamit ng pambabaeng banyo sa isang mall sa Quezon City.
 
"Honestly, this is one of my biggest fears whenever I'm out. Lalo na 'pag nasa Arabic countries ako. 'Pag sa pambabaeng banyo, ilang beses na akong pinalabas, and kung sa panlalaki naman, ang daming tanong, lalo na kung may mga Pinoy," ani Ice sa post sa Instagram.

"Kapag may ASEAN events akong dinadaluhan nung nagta-trabaho ako sa NYC [National Youth Commission], hindi ako umiinom ng tubig buong araw kasi natatakot ako magbanyo. This is a real concern na hangga't hindi mo pa nararanasan, isasawalang bahala mo lang. Concern na hindi ko kailanman inisip na pagdadaanan ko rin pala."

Ayon pa kay Ice, hindi madali ang pinagdaraanan ng mga miyembro ng transgender community gaya niya at ni Gretchen sa tuwing kinakailangan nilang magbanyo.

"Para sa iba mababaw, pero hindi eh, hindi mababaw 'yung pagtititnginan ka ng mga tao lalo na 'yung papalabasin ka. Parang kinakain ako ng lupa sa tuwing nangyayari 'yun and what's worse is I don't feel safe. All of these feelings and more. AND NOW THIS... just because gusto lang namin magbanyo," pahayag pa ng singer sa post.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.