PatrolPH

Sam Milby, nagpaliwanag sa 'wild' na paghalik kina Yam, Yen

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2018 03:12 PM

 

A post shared by Sam Milby (@samuelmilby) on

Inilarawan siya ng mga leading lady sa bagong pinagbibidahang serye na "wild" humalik, pero ayon sa aktor na si Sam Milby, bahagi lamang iyon ng pagganap niya sa kaniyang papel.

Watch more on iWant or iWantTFC

"Siyempre sa character 'yan. He's very, 'yon nga, medyo lustful siya and wild siya," paliwanag ni Sam sa episode ng "Tonight With Boy Abunda" noong Lunes.

Pinag-react si Sam sa mga pahayag ng kaniyang "Halik" co-stars na sina Yam Concepcion at Yen Santos sa July 31 episode ng "Tonight With Boy Abunda," kung saan ibinunyag ng dalawa na "wild" humalik ang aktor.

Inihalintulad pa ni Yen sa "panghihigop" at "pangangain" ang paghalik ni Sam.

Nang tanungin sina Yam at Yen kung gawa ba ng karakter ni Sam ang kaniyang paghalik, tila hindi makasagot nang deretso ang dalawa.

Pero ayon kay Sam, "mas gentle" siyang humalik sa tunay na buhay kumpara sa paghalik niya kapag isinasabuhay niya ang karakter niyang si Ace Corpuz.

"Kasi sa character, it's more lust-passion... But ako personally, if it's love, iba 'yong passion. Not wild passion, it's the love passion, 'yong mas gentle," paliwanag niya.

 

A post shared by Sam Milby (@samuelmilby) on

Wala umanong kamalay-kamalay si Sam na "wild" pala siya humalik gaya ng paglalarawan sa kaniya.

Pinasampol pa siya sa programa kung paano humalik sa kissing scene kapares ang isang halaman sa set.

 

A post shared by Sam Milby (@samuelmilby) on

Mapapanood ang "Halik" sa Primetime Bida ng ABS-CBN mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng "Bagani."

Susundan ng serye ang pagpapalit ng kapares ng dalawang mag-asawa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.