Friendship nina Ejay at Erich, mas lumalim dahil sa 'The Blood Sisters'

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2018 05:25 PM | Updated as of Aug 14 2018 05:43 PM

MAYNILA — Mas lumalim na raw ngayon ang paghanga ng aktor na si Ejay Falcon sa kanyang kaibigan na si Erich Gonzales.

Kuwento ni Ejay, ibang dedikasyon ang ibinigay ni Erich sa kanyang karakter bilang sina Carrie, Erika, at Agatha sa “The Blood Sisters”.

“Lahat kami dito ay tagahanga niya ngayon kasi nakaka-inspire siya. Iba 'yung energy ng isang babae at ng lalaki physically. Nag-taping kami hanggang madaling araw, papalit-palit siya ng character pero ginagawa niya nang maayos ang character niya nang walang reklamo,” kuwento ni Ejay sa ABS-CBN News.

Bukod sa malaking paghanga ng aktor, mas lumalim din daw ang pagkakaibigan nila ni Erich na una niyang nakatrabaho noong 2009 sa Kapamilya series na “Katorse”.

 

A post shared by Falcon21🦅 (@ejaythefalcon) on

“Dati kasi, hindi kami nag-uusap sa mga bagay-bagay na malalim, mga personal. Pero ngayon, napag-uusapan na namin, umaabot pa kami sa point na after ilang years, magsipag-asawa na tayo. Oo, 'yung mga ganun na ang napag-usapan na namin,” aniya.

 

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg) on

Gaya ng kanilang mga mature roles, mas mature na rin daw ang kanilang mga pinag-uusapan sa ngayon.

“Saan kami pupunta after nito, pati sa mga business napag-uusapan na din namin. Almost 10 years na rin kasi nung ginawa namin ang 'Katorse.' Nakakatuwa kasi itong ginagawa namin na project, nakabuo kami ng mas mature, solid na pagkakaibigan,” sabi pa ng aktor.

Mapapanood ang huling gabi ng “The Blood Sisters” ngayong Agosto 17.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.