Erich Gonzales: Sulit ang pagod, puyat sa 'The Blood Sisters'

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2018 03:09 PM

 

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg) on

MAYNILA — Aminado ang “The Blood Sisters” star na si Erich Gonzales na hindi naging madali ang proseso ng pagganap sa kanyang tatlong karakter sa hit Kapamilya series.

Gumaganap si Erich bilang sina Carrie, Erika, at Agatha na mayroong iba’t ibang personalidad sa programa.

“I’m not complaining or anything, pero totoong nakakapagod po siya, napakahirap gawin. Hindi lang po para sa akin, kundi sa lahat ng tao behind the camera na 24 hours working. Pisikal kung pisikal din lahat ng puyat, pagod. But all worth it naman po,” kuwento ni Erich sa ABS-CBN News sa finale presscon nitong Lunes ng gabi.

Ayon pa kay Erich, naging malaking hamon din para sa kanya ang gampanan ang isa sa mga karakter sa magkakapatid.

“Siguro, kay Agatha, I had fun naman po playing Agatha kasi 'yung personality niya kasi... hindi ko ma-describe,” aniya.

 

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg) on

“Hindi po talaga biro mag-portray ng tatlong character po. Pero sa tulong ng lahat, nakayanan naman po natin,” dagdag niya.

Sulit din daw para kay Erich ang kanilang pagod dahil sa magandang ratings na tinatanggap nila ngayon.

“Thank you, thank you dahil na-appreciate nila ang trabaho ko. Ganun naman po talaga palagi e, ganun naman po sa lahat ng project, ibibigay po natin ang buong puso, lahat. At masasabi natin na at the end of the day, masasabi nating ginawa mo ang trabaho mo,” pasasalamat pa ng aktres.

Mapapanood ang huling gabi ng “The Blood Sisters” ngayong Agosto 17.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.