Christian Bables, nakahanap ng 'ama' kay direk Chito

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2018 01:32 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Malaki ang pasasalamat ni Christian Bables sa direktor at talent manager na si Chito Roño dahil sa pag-aalaga nito sa kanya na parang isang tunay na ama.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, aminado si Christian na ang kanyang paghahanap sa isang father figure ay napunan ni direk Chito.

"Si direk Chito, never siyang nag-fail iparamdam sa akin na hindi siya nagki-care. Ako, uhaw ako sa pagmamahal ng isang tatay. Kumbaga hinahanap ko ang father figure sa bawat taong makakasama ko. Nakakatuwa si direk dahil hindi siya nag-atubuli na ibigay sa akin 'yon, 'yung care, 'yung love," ani Christian.

"Even for my career, nandiyan si direk talaga," dagdag niya.

Ani Christian, hindi niya kailanman makakalimutan ang pagbibigay ni direk Chito sa kanya ng pagkakataon.

Pinili ni direk Chito na bumida sa kanyang pelikulang "Signal Rock" si Christian. 

Ang "Signal Rock" ay isa sa mga tampok sa Pista ng Pelikulang Pilipino na ipapalabas mula August 15 hanggang Agosto 21 sa mga sinehan sa bansa.

Kasama rin sa nasabing pelikula sina Mara Lopez, Francis Magundayao, Daria Ramirez, Arnold Reyes, Sue Prado, Keana Reeves, Mon Confiado, Ces Quesada, at Lee O'Brian.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.