Ending ng 'Ang Probinsyano' tinutukan ng mga taga-probinsya | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ending ng 'Ang Probinsyano' tinutukan ng mga taga-probinsya

Ending ng 'Ang Probinsyano' tinutukan ng mga taga-probinsya

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 13, 2022 04:29 PM PHT

Clipboard

MANILA - Halo-halong emosyon ang naramdaman nitong Biyernes ng mga manonood ng finale ng longest-running Pinoy TV series na "Ang Probinsyano" sa mga probinsya.

Watch more News on iWantTFC

Hindi mapigilan ang iyak ng batang si Justin nang akalaing patay na si Cardo Dalisay sa finale ng 'Ang Probinsyano.' Courtesy: Mary Jane Dario.

Sa katunayan, may naglumpasay pang bata sa Roxas City, Capiz nang akalaing patay na si Cardo Dalisay nang pagbabarilin ng kampo nina Renato (John Arcilla).

Viral sa social media ang paglulumpasay ng batang si Justin. Kahit sinasabihan na ng ina na hindi mamatay si Cardo ay patuloy ito sa pag-iyak.

Pilit na ipinapapatay ni Justin sa kanyang ina ang kanilang telebisyon dahil patay na si Cardo pero kinukumbinsi parin ito ng ina na hindi mamamatay si Cardo hanggang si Justin na mismo ang pumatay ng TV dahil sa galit.

Sobra umanong lungkot at galit ang naramdaman ni Justin nang makitang patay na si Cardo at ang miyembro ng Agila ayon kay Mary Jane.

ADVERTISEMENT

Tumahan lang si Justine sa pag-iyak nang malaman na buhay si Cardo.
Sobrang ini-idolo umano ni Justin si Cardo Dalisay at gabi gabi nitong inaabangan ang FPJ's Ang Probinsyano.

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/entertainment/08/13/20220813-ang-probinsyano.jpg

Ang 69 anyos na si Norma Paragayo sa Cagayan de Oro, nagte-therapy exercise pa at hindi pinalagpas ang pagnood ng serye habang nagpapagaling sa sakit na sciatica.

Idinaan din ng ilang sa gimik ang pagbibigay-pugay sa "Ang Probinsyano" gaya ng 8 anyos na si Andres Guevarra Bonifacio na nagbihis ala-Cardo sa Pampanga.

Kwento ng ina ni Andres na si AK, ilang taon pa lamang ito nang subaybayan ang teleserye. Para sa kanya, maganda ang naging impluwensya nito sa bata.

"Naging mas magalang siya at matulungin," ani AK.

ADVERTISEMENT

Courtesy: Aprila Jane Garay
Courtesy: Aprila Jane Garay

"Bye Cardo" naman ang mensahe sa "Ang Probinsyano" themed boodle fight ng isang pamilya sa Matag-ob, Leyte.

Nagsalo-salo muna sa hapunan ang buong pamilya nina Aprila Jane Garay bago ang pagtatapos ng serye.

"Fans kami ng 'Ang Probinsyano' at nagplano kami ng aking pamilya na sabay manood at mag-boodle fight sa pagtatapos ng palabas," kuwento ni Aprila Jane sa ABS-CBN News.

Nahakot ng serye ang higit 500,000 views sa pagtatapos nito matapos ang 7 taong pagsubaybay ng mga manonood.

-- May mga ulat nina Rolen Escaniel, Angelo Andrade, Hernel Tocmo, at Gracie Rutao

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.