Markus Paterson sa relasyon nila ni Janella Salvador: ‘We mean a lot to each other’

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2019 05:34 PM

Markus Paterson at Janella Salvador. Mga retrato mula sa Instagram: @markus/ @superjanella

Nagsalita na ang Filipino-British actor na si Markus Paterson ukol sa relasyon nila ng aktres na si Janella Salvador.

Sa media conference ngayong Martes para sa pinagbibidahan niyang pelikulang “Ang Babaeng Allergic sa Wifi,” tumanggi si Paterson na bigyan ng label ang ugnayan nila ni Salvador pero iginiit na mahalaga sila sa isa’t isa.

Watch more in iWant or TFC.tv

“We mean a lot to each other but we're definitely not there yet. What you see is what you get. We're that, pretty much,” ani Paterson.

Sinabi rin ni Paterson na mas mabuting sa kanila na lang ni Salvador — na kaniyang kaedad — kung ano ang kanilang relasyon.

“Kahit showbiz kami or hindi, it's obviously better for a relationship — regardless of what relationship it is — to just stay in between those 2 people,” ani Paterson.

Nang tanungin kung ano ang nagustuhan niya kay Salvador, isinagot ni Paterson: “She's one in a million. She's very unique, beautiful, and talented.”

Tumanggi rin si Salvador na ilarawan ang relasyon niya kay Paterson sa episode ng “Tonight with Boy Abunda” noong Biyernes.

Watch more in iWant or TFC.tv

“I'd rather not release an official statement kung ano man mayroon,” ani Salvador.

“Kasi based on my last relationship, based on my experience, it doesn't do me any good na you're in a relationship with someone pero feel mo, you're in a relationship with the whole world,” paliwanag ng aktres.

Pebrero nang magkatrabaho sina Paterson at Salvador sa isang episode ng “Maalaala Mo Kaya.”
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.