PatrolPH

Yam, napaiyak sa pagbibigay ng pangako sa ina

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2018 12:04 PM

MANILA --- Hindi napigil ni Yam Concepcion ang umiyak sa pagbitiw niya ng pangako sa kanyang ina na siya ring tumayo bilang kanyang ama.

Nitong Lunes sa "Magandang Buhay," ibinahagi ni Yam na lumaki siyang walang ama at tanging ina at ang kanyang lola ang nagpalaki sa kanya.

Aniya, hindi niya kailanman hinanap ang ama dahil nandiyan palagi para sa kanya ang ina na si Lilybell Concepcion.

Sa huli, hindi na napigil pa ni Yam ang maging emosyonal nang hingan siya ng pangako para sa kanyang ina.

"Una gusto kong magpasalamat kasi hindi ko nasasabi everyday kahit magkasama tayo palagi, how much I appreciate you and how much I love you. Lately, sa taping, 'yung character ko laging nagagalit, so nauuwi ko sa bahay so minsan nasusungitan ko siya. So ang maipapangako ko sa iyo, basta palagi tayong magkasama, forever," ani Yam.
 

Watch more on iWant or iWantTFC

At bilang ina, masaya si Mommy Lilybell sa pinakabagong proyekto ni Yam.

Isa si Yam sa mga bida ng seryeng "Halik" kasama sina Yen Santos, Sam Milby at Jericho Rosales.

Magsisimula na ang "Halik" ngayong Lunes, pagkatapos ng "Bagani."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.