PatrolPH

Marco Gallo, hangad pa rin ang kasiyahan ni Kisses Delavin

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2019 04:39 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by mac (@marcogalloc) on

MAYNILA -- Isa ang dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Marco Gallo sa mga magiging bahagi ng upcoming Kapamilya show na "Pamilya Ko."

Kuwento ni Marco, labis na pananabik ang kanyang nararamdaman para sa unang beses na pagsabak niya sa isang Kapamilya teleserye.

"Masaya po ako kasi parang bigger step po 'yun para sa akin kasi first teleserye ko po. So I'm pretty excited and kinakabahan at the same time. Kayo ba naman ang isali sa isang teleserye 'di ba nakakakaba?" tugon ni Marco sa entertainment press sa naganap na opening ng Faces and Curves branch nito sa Taguig.

Baguhan man sa pag-arte, nais umano niya na ibigay ang kanyang best para sa proyekto.

"Every day kailangan mong galingan, siyempre makikita ka ng national TV. So masaya naman po and sa tingin ko naman okay naman po ang kinalabasan and wala naman po akong regrets. Binigay ko naman po ang lahat para sa teleserye," aniya.

At dahil minsan na naging malapit kay Kisses Delavin, nahingan din ng pahayag si Marco sa kinahinatnan ng love team na DonKiss nina Kisses at Donny Pangilinan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by mac (@marcogalloc) on

Matatandaan na kamakailan, inanunsyo nina Kisses at Donny ang malungkot na balita sa kanilang tambalan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by K I S S E S (@kissesdelavin) on

"Honestly, I don't care! I mean, I'm not in it, and I'm not involved in it and I don't know the story what happened. But feeling ko naman if they're happy about it, then okay. And kung doon sila masaya,go lang," sabi pa ni Marco.

Aniya, hindi man naging maganda ang kinahinatnan ng tambalan nila ni Kisses, hangad niya na maging masaya pa din ito.

"I mean kahit sa kaninong tao man, kaaway ko man o hindi ko kaaway, ang sinasabi ko lang, at the end of the day lagi kang maging masaya kasi what if bukas wala ka na. Basta kung saan ka masaya, gawin mo 'yun."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.