Dimples Romana, nakatanggap ng tula para kay 'Dani Girl'

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2019 12:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nagpasalamat si Dimples Romana sa mga tagasubaybay ng sikat na seryeng "Kadenang Ginto," tulad na lang ng isang fan na gumawa pa ng tula para kay "Dani Girl."

Si Daniela o "Dani Girl" ay ang bida-kontrabidang karakter na ginagampanan ni Dimples sa serye.

Sa kanyang Instagram post nitong Linggo, ibinahagi ni Dimples ang retrato niya kasama ang fan na gumawa ng tula.

Ayon kay Dimples, pinapahalagahan niya ang suporta ng kanyang mga tagahanga.

"You know your teleserye character has reached a certain level when fans write poems about them too. Hanggang ngayon, I receive hundreds of your tagged photos with my #OhDani meme on it and I super appreciate all the love! And whenever I read your comments saying that I’m the most loved kontrabida, grabe ang tibok ng puso ko. Salamat sa nakakaiyak ninyong suporta. Dani Girl will not be this iconic if not for you all," ani Dimples.

Mapapanood si Dimples kasama ang iba pang bida ng "Kadenang Ginto" mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng "It's Showtime."

-- Umagang Kay Ganda, Agosto 12, 2019