BidaMan winner Jin, 'di pa alam kung ano ang gagawin sa premyo

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2019 11:46 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Hindi pa rin makapaniwala si Jin Macapagal sa kanyang pagkapanalo bilang pinakaunang BidaMan winner ng "It's Showtime."

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Lunes, aminado si Jin na hindi pa niya alam kung saan gagamitin ang napanalunan mula sa kompetisyon.

"For now hindi ko pa talaga siya naiisip kasi hindi ko pa naa-absorb ang lahat nang nangyari sa akin," ani Jin. "But for sure ise-save ko 'yung money and invest on working more of myself like acting workshop."

"Sobrang happy po ako kasi once in a lifetime lang po itong experience and I'm so thankful na matanggap ko ang ganitong opportunity," dagdag ni Jin.

Sa ngayon ay excited si Jin sa mga proyektong ibibigay sa kanya ng Kapamilya network.

"I'm really excited po. At the same time nandoon din 'yung pressure kasi I want to give my best. I don't want to lose this chance na ibinigay sa akin," aniya.

Maliban sa management contract at pelikula, nagwagi si Jin ng bahay at lupa, pick-up truck at P1 milyon.

Napangakuan din siyang magiging parte ng pelikula nina Vice Ganda at Anne Curtis sa opisyal na kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.