Sharon Cuneta at Richard Gomez, balik tambalan sa pelikula

Kiko Escuadro, ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2018 05:40 PM | Updated as of Aug 12 2018 05:48 PM

Richard Gomez at Sharon Cuneta sa opisina ng Star Cinema. Kiko Escuadro, ABS-CBN News

MAYNILA — Hindi napigil ng masamang panahon ang unang story conference ng nagbabalik-tambalan na sina Richard Gomez at Sharon Cuneta para sa Star Cinema.

Ito ang pagbabalik sa pelikula ni Sharon at Richard na huling nagsama sa pelikulang “Walang Kapalit” noong 2003.

“I’m very happy, very excited. It’s been 15 years since our last project together and this is the 30th anniversary of our team-up,” sabi ni Sharon.

Dagdag pananabik din daw kay Megastar ang unang beses na makasama niya ang aktres na si Kathryn Bernardo.

“Of course it adds another 100 percent sa excitement ko because it’s my first time working with Kathryn,” sabi pa ni Sharon.

Gaya ni Sharon, naghahanda na rin si Richard para sa pagsasamahan nilang proyekto.

Ayon kay Richard na abala ngayon bilang isang lingkod bayan sa Ormoc, asahan daw na magaganap sa kanyang bayan ang ilan sa mga eksena.

“Umuuwi lang ako ng Manila 'pag weekends, sila ang tatawid ng Ormoc, para ma-experience naman nila ang Ormoc,” sabi pa ng actor-politician.

Todo suporta din daw ang misis ni Goma na si Lucy Torres para sa kanyang pababalik-pelikula.

“She’s always very excited, lalo na may comeback movie kami ni Sharon,” pahayag pa ni Goma.

Inaasahan na bago magtapos ang taon ay mapapanood na ang pelikula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina na may working title na “Three Words To Forever.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.