Kathryn, kasali sa Sharon-Richard reunion movie - pero nasaan si Daniel?

Kiko Escuadro, ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2018 07:05 PM

MAYNILA — Solo project muna ang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo sa upcoming reunion movie ni Sharon Cuneta at Richard Gomez na “Three Words To Forever.”

Aminado ang Kapamilya star na magkahalong kaba at excitement ang kanyang nararamdaman na makakasama siya sa Sharon-Richard reunion movie.

“I’m very lucky na 'yung project na 'to with Ms. Sharon Cuneta and Mr. Richard Gomez pa. Andiyan sila to guide me, of course," ani Kathryn sa naganap na story coference nitong Linggo.

Kuwento pa niya, sa kalagitnaan ng taping ng “The Hows of Us” nang ialok sa kanya ang bagong proyekto.

“Noong sinabi nila itong project, halfway palang kami sa 'The Hows of Us' and then sabi ko, 'Paano?' Tapos si Direk Cathy [Garcia-Molina] din pala [ang direktor],” aniya.

“Happy ako na si Direk Cathy din. Malaking adjustment sa akin for the past six, seven years, I’m with DJ [Daniel Padilla] and parang break namin na project 'to muna for the mean time,” sabi pa ni Kathryn.

Paliwanag ng aktres, hindi daw ito nangangahulugan na maghihiwalay na sila ng kanyang ka-love team na si Daniel Padilla.

“Andiyan pa din ang KathNiel. Parang pang break lang ito, and of course may project pa din naman in the future. Ang importante happy pa din naman si DJ sa desisyon na 'to. Nag-usap kami about it and pareho kami excited,” paliwanag niya.

Hiling din ni Kathryn ang patuloy na pag-suporta ng KathNiel fans sa kanilang mga proyekto sa future.

“Sana maintindihan din nila. Of course si DJ din, gusto niya ng own project in the future. And hindi naman ibig sabihin na naghiwalay kami ng project, e tapos na,” pahayag pa ng aktres.

Sa ngayon, focus daw muna si Kathryn sa “The Hows of Us” na mapapanood na ngayong Agosto 29.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.