Alessandra de Rossi magdidirek ng pelikula

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2019 06:51 PM | Updated as of Aug 11 2019 07:44 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sumabak sa kauna-unahan niyang directorial job ang aktres na si Alessandra de Rossi, kung saan makakasama niya si Piolo Pascual.

Ayon kay De Rossi, kabado siya sa pagtrabaho sa pelikulang "Fuffy and Fream," na kaniyang sinulat, ididirek at pagbibidahan.

Hindi raw niya inakala na magagawa niyang maging isang direktor.

"Lahat naman ng nangyari sa buhay ko, never ko siyang inisip eh," ani De Rossi.

"Mahirap siya kasi after mong mag-take ipi-preview mo kung okay tapos may makikita kang hindi okay, na kung sana nasa screen ka na-cut mo na siya," kuwento ni De Rossi.

Ipinagpapasalamat din ni De Rossi na tinaggap ni Pascual ang kaniyang materyal.

Huling nagkatrabaho noong 2017 sina Pascual at De Rossi para sa teleseryeng "Since I Found You."

"I'm just really excited na sa'min niya binigay 'yong magandang material na 'yan," ani Pascual.

Wala pang petsa kung kailan ilalabas ang pelikula.

-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.