PatrolPH

PANOORIN: 'Magandang Buhay,' may prank kay Jane de Leon

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2022 11:36 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA -- Tagumpay ang naging prank ng "Magandang Buhay" kay Jane de Leon ang bida ng paparating na serye na "Mars Ravelo's Darna." 

Nitong Lunes, napasigaw, napayakap at halos maiyak si De Leon sa kanyang ina dahil sa butiki na isa sa kanyang kinakatakutan.

"Ako po humahawak po ako ng ipis, ng daga, lahat po, huwag lang po butiki," ani De Leon, matapos na ma-prank.

"Kasi nagpi-fishing kami ni Papa. Kapag nagpi-fishing kami ay nagbubungkal din po kami ng uod ganyan, pangpain. Kapag wala na po kaming makitang bulate o uod, pinuputol po namin 'yung buntot ng butiki. Noong mga panahon po na yon, ay hindi pa naman ako takot," ani De Leon.

Kuwento ni De Leon, nagsimula ang matinding takot niya sa butiki nang minsan itong pumasok sa kanyang suot na damit.

"Nandoon po siya sa isang vase, tapos may stick po ako, tinutusok ko po siyang ganun biglang dumiretso siya sa stick at pumasok sa loob ng [damit ko]. Na-trauma po ako," kuwento ni De Leon.

Sa Lunes, Agosto 15, magsisimula na ang pagpapakita ng tapang at lakas ni De Leon bilang si "Darna." 

Kaugnay na video:

Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.