Sila na ba? Angelica Panganiban, binati ng 'happy weeksary' si Cholo Barretto

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2019 11:18 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tila nagbigay na naman ng pahiwatig sina Angelica Panganiban at Cholo Barretto tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sa Instagram Stories ni Angelica, bumati ang aktres ng "happy weeksary" kay Cholo.

Tila nahiya naman si Cholo nang tanungin siya ni Angelica kung anong oras na.

Sa huli ay si Angelica rin ang sumagot na, "143 na."

Nitong nakaraang buwan, itinanggi ni Angelica ang balitang nag-uugnay sa kanila ni Cholo.

Aniya, sanay na siya sa pagbibigay-malisya ng mga tao sa kanyang mga ginagawa.

Umagang Kay Ganda, Agosto 9, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.