Gary V, na-touch sa throwback video ng anak na si Gab

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2019 01:02 PM | Updated as of Aug 09 2019 07:35 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Na-touch si "Mr. Pure Energy" Gary Valenciano sa mensahe ng kanyang anak na si Gab para sa kanyang kaarawan.

Sa Instagram, ibinahagi ni Gary V ang throwback video na ipinost ni Gab kalakip ang birthday message.

Sa video, kita ang bigay na bigay na pagsayaw ni Gab kasama ang ama sa studio sa kanilang attic.

"I miss those days, son. I love you so much, son. Thank you for reminding me about these precious moments back in the day," ani Gary V.

Umagang Kay Ganda, Agosto 9, 2019