Sunshine Cruz, masaya sa lovelife

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2017 03:17 PM | Updated as of Aug 09 2017 03:18 PM

MANILA -- "Life begins at 40."

Ito ang naging pahayag ng aktres na si Sunshine Cruz sa panayam niya sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles.

Maliban sa kanyang mga anak, inamin ni Sunshine na masaya ngayon sa dagdag na inspirasyon at pagmamahal mula sa kanyang nobyo na si Macky Mathay, na sinorpresa siya sa kanyang kaarawan noong nakaraang buwan.

"It's my first birthday with him at alam naman natin na almost five years, I've been separated, I've been focusing on my work and my children and mayroong isang tao ngayon na nagbibigay ng dagdag inspirasyon at kaligayahan sa buhay ko," ani Sunshine.

Ayon kay Sunshine, masaya ngayon na maliban sa kanilang dalawa, magkasundo din ang kani-kanilang mga anak.
 
"Hindi namin ipinilit. Wala kaming sinabi na o kailangan maging malalapit kayo. Automatically nangyari na lang and they are really close," " ani Sunshine.

"Tama 'yung sinasabi na huwag mo lang hahanapin kasi darating talagang unexpectedly 'yung mga ganitong bagay, so I'm very blessed."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.