Bakit proud si Kris sa 'Crazy Rich Asians'?

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2018 04:22 PM | Updated as of Aug 08 2018 08:18 PM

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

Bukod sa pagkakaroon niya ng papel sa pelikula, isa pa sa mga dahilan kung bakit ipinagmamalaki ni Kris Aquino ang "Crazy Rich Asians" ay dahil sa pagkakaroon nito ng cast na pawang mga Asyano.

Ito ang ibinahagi ni Aquino sa panayam sa kaniya ng ABS-CBN News sa premiere ng naturang pelikula sa Hollywood.

Watch more in iWant or TFC.tv

"I love the fact that this movie is able to bring Asians from all countries, all across ASEAN and all other places," ani Aquino.

Gagampanan ng binansagang "Queen of All Media" ang papel ng isang prinsesang Malay.

Para kay Aquino, karangalan din na sa Pinoy napunta ang papel ng isang prinsesa.

"I think ang pinakanakaka-proud for me is the fact that the person [who] was chosen to play royalty and a princess was from the Philippines. Gusto ko lang i-share 'yan sa lahat ng mga kababayan natin," aniya.

Bukod kay Aquino, tampok din sa pelikula ang Filipino-American actor na si Nico Santos, na gaganap naman bilang fashion designer.

Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi umano akalain ni Santos, na ipinanganak sa Maynila at lumipat sa Los Angeles noong siya'y 16 anyos, na mabibigyan siya ng pagkakataong maging bahagi ng Hollywood film.

Kasama umano niya ang kaniyang ina sa tagumpay na ito.

"When I moved to LA (Los Angeles), I was just a host sa restaurant. That was only five years ago. Talagang 'Table for two, right this way.' 'Yon lang talaga ginagawa ko sa buhay," kuwento ni Santos.

"The fact that I'm here, not only being a part of a movie premiere but to be a part of a premiere that means so much to the community, it's insane," aniya.

Sa Agosto 22 ipalalabas sa Pilipinas ang "Crazy Rich Asians." -- May ulat ni Yong Chavez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.