PatrolPH

‘Pinaglalaruan mo ako’: Vice Ganda tinuruan lumangoy ang ina sa Boracay

ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2021 07:07 PM

Sinubukang turuan ni Vice Ganda si Nanay Rosario na lumangoy habang nasa Boracay.
Sinubukang turuan ni Vice Ganda si Nanay Rosario na lumangoy habang nasa Boracay. Vice Ganda vlog

Hindi nakaligtas ang ina ni Vice Ganda sa mga kalokohan ng komedyante at host nang subukan itong turuan lumangoy habang nasa maikling bakasyon sila sa Boracay.

Sa inilabas na vlog ni Vice, mapapanood na kahit maulan ay itinuloy niya kasama ang pamilya at ilang malalapit na kaibigan ang pagpunta sa Boracay. 

Isa sa mga pinagkaabalahan ng “It’s Showtime” host ay ang makipagharutan sa kaniyang nanay Rosario sa swimming pool.

Ayon sa ina ng komedyante, “langoy palaka” lamang ang kaya niya at nagpa-sample pa. Ngunit hindi nagustuhan ng anak ang ginawa nito, kaya naisipan magkaroon ng swimming lesson. 

Unang hamon ni Vice ay ang umandar ang ina habang lumalangoy, dahil hirit nito lumulublob lamang siya sa tubig at hindi umuusad. 

Sunod na ipinagawa ng “Unkabogable” star ang langoy-aso kung saan dapat nakaangat ang ulo habang lumalangoy, bagay na hindi ulit nagawa ni Nanay Rosario. 

“Pinaglalaruan mo lang ako,” natatawang sambit ng ina ng komedyante.

Sinubukan din ng mag-ina ang mag-floating sa tubig at backstroke. Sa huli, naisipan din ni Vice na biruin ang kasuotan ng ina na pinatayo niya bilang kandidata sa isang beauty pageant. 

Nauna nang ipinasilip ni Vice sa Instagram ang beach trip nila sa Boracay kabilang dito ang sweet photos nila ng nobyong si Ion Perez.

Ayon kay Perez, unang beses niyang nakarating sa sikat na isla. 

 Related videos:

Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.