Xian Lim, muling bibida sa 'MMK'

ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2019 03:15 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MMKOfficial (@mmkofficial) on

MANILA -- Muling bibida si Xian Lim sa isa na namang espesyal na episode ng "Maalaala Mo Kaya" (MMK) ngayong Sabado, Agosto 10.

Sa kanyang pagbabalik sa "MMK," gagampanan ni Xian ang karakter ng isang dating batang lansangan na nagsumikap at naging pulis.

Sa direksyon ni Frasco Mortiz at panulat ni Raymund Barcelon, tunghayan ang natatanging pagganap ni Xian sa "MMK" ngayong Sabado, pagkatapos ng "The Voice Kids."