Nadine Lustre, ibinahagi ang sikreto ng matibay na relasyon nila ni James Reid

ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2019 04:07 PM

MAYNILA -- Sa naganap na premiere night ng pelikulang "Indak," naibahagi ni Nadine Lustre ang isang sikreto para sa mas matibay na relasyon nila ng boyfriend na si James Reid.

"Communication and trust. Kailangan may tiwala kayo sa isa't isa. 'Yun lang naman communication," sabi pa Nadine sa panayam ng press.

Isa din sa natutunan niya sa tatlong-taon na relasyon nila ni James ang madalas na pag-uusap nila.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by James Reid (@james) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by James Reid (@james) on

"Kahit ano pa ang nararamdaman mo, kahit nakakahiya, kailangan sinasabi mo talaga. Hindi naman pwede nanghuhula na lang ang partner mo palagi," pahayag pa ng aktres.

Taong 2016 nang opisyal na inihayag ni James at Nadine sa publiko ang kanilang tunay na relasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.