Zephanie, may payo sa mga nangangarap na maging singer

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2019 12:06 PM

Watch more in iWantTFC

MANILA -- Nagbigay-payo ng kauna-unahang "Idol Philippines" grand winner na si Zephanie Dimaranan sa mga tulad niyang nangangarap na maging mang-aawit.

"Just keep on trying at habang naghihintay ka ng right time mo, gawin mo lahat para ma-improve mo ang sarili mo. And just pray to God," ani Zephanie sa "Umagang Kay Ganda" nitong Martes/ 

Nito lamang Hulyo nang magwagi si Zephanie sa "Idol Philippines."

Kuwento ni Zephanie, masaya na siya at kanyang pamilya nang maging parte siya ng Top 3 kaya laking tuwa nila nang siya ang hiranging kampeon sa "Idol Philippines."

"Siyempre po super proud sila sa akin. Nung live shows po ay hindi na kami nage-expect na manalo, super contented na po kami na maging part ng Top 3. Pero ibinigay po 'yon ni Lord, sobrang saya po talaga," ani Zephanie.

Ani Zephanie ang pagbibigay ng oras sa kanyang pamilya ang una niyang ginawa matapos niyang manalo.

"Nag-spend po ako ng konting time with my family since medyo napalayo po ako sa kanila. At kumain po ako ng hindi ko nakain for one month tulad ng milk tea, 'yung matatamis po," ani Zephanie na excited na sa mga gagawin niyang proyekto.
 
Para sa mga manonood ng "UKG," muling inawit ni Zephanie ang first single niya na "Pangarap Kong Pangarap Mo."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.