PatrolPH

Reenactment photo ng 'Goin' Bulilit' stars, trending

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2019 03:04 PM

 

MAYNILA -- Isang cute na composite photo ang ibinahagi Miles Ocampo sa kanyang social media account nitong Lunes na kinagiliwan ng netizens.

Sa retrato, makikita ang reenactment nina Miles at mga kasamahan niya sa "Goin' Bulilit" noong bumida sila sa serye na "Mga Anghel Na Walang Langit" na ipinalabas sa ABS-CBN noong 2005 hanggang 2006.

Maliban kay Miles, makikita sa nasabing retrato sina Sharlene San Pedro, Nikki Bagaporo, Carl John Barrameda at John Manalo.

Matatandaang ang "Goin' Bulilit" ang naging daan sa pagsikat ng ilan sa mga kilalang artista ngayon sa bansa.

Nito lamang Linggo, Agosto 4, ay ipinalabas na ang huling episode ng "Goin' Bulilit" na umere sa ABS-CBN sa loob ng 14 na taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.